Fajardo, 2 iba pang higante ‘tambay’ muna
- Published on February 28, 2020
- by @peoplesbalita
LIBAN ang tatlong higante sa 45th Philippine Basketball Association (PBA) Philippine Cup 2020, pero tiyak na hindi maglalaho ang kasabikan sa pagbukas nito sa Marso 8 sa Smart Araneta Coliseum sa Quezon City.
Sila ay sina five-time Most Valuable Player June Mar Fajardo ng San Miguel Beer, Gregory William Slaughter ng Barangay Ginebra San Miguel at Raymond Almazan ng Manila Electric Company (Meralco.)
Tinataya out sa buong season si Fajardo na may shin injury, si Almazan na may injured foot at ilang linggo pang mawawala.
Nagpasya naman si Slaughter na magbakasyon muna sa paglalaro matapos mag-expire ang kontrata nitong Enero.
Maski wala ang 7-foot slotman na si Slaughter, maganda ang preparasyon ng Gin Kings.
“We’re doing okay,” bulalas ni Ginebra governor/team manager Alfrancis Chua. “Nagpa-practice lahat, so far, so good. Our rookies are good. It depends na lang kay coach Tim (Cone) kung sino ila-lineup.”
Nanghinayang ang 12 governors o board representative na wala si Fajardo sa edisyong ito ng propesyonal na liga.
“I want to see the adjustment na gagawin ng San Miguel,” hirit ni Chua. “Nawalan sila ng June Mar, tignan natin ano gagawin.”
Ang five-peat ng Beermen sa all-Filipino, kinopo sa pamumuno ni The Kraken. (REC)