• April 7, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pagkakaibigan at ugnayan ng Pinas at US hindi apektado ng pagpayag ng Iran na padaanin ang Philippine-bound vessels sa Strait of Hormuz

SINABI ng Malakanyang na hndi makaaapekto sa relasyon at ugnayan ng Pilipinas at Estados Unidos ang desisyon ng Iran na payagan ang ligtas na pagdaan ng energy supplies patungong Pilipinas sa pamamagitan ng Strait of Hormuz.
Ang Estados Unidos ay long-time ally ng Pilipinas.
Ayon kay Presidential Communications Office Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro sa press briefing sa Malakanyang, nagawa niyng makausap si Foreign Affairs Secretary Ma. Theresa Lazaro kaugnay sa bagay na ito, at sinabi aniya ng Kalihim na walang magiging isyu ang gobyerno sa pagkakabigan nito sa Estados Unidos.

”Wala po tayong nakikitang anong magiging isyu sa ating kaibigan na bansa na US dahil alam naman po nila ang sitwasyon ngayon at hinahalintulad po ito sa pag-angkat po natin ng oil mula sa Russia,” ang sinabi ni Castro.
Sa ulat, pinayagan na ng Iran ang Pilipinas na libreng dumaan sa Strait of Hormuz ang mga barkong may dala ng mga produktong langis.
Sinabi pa ng Department of Foreign Affairs (DFA) na walang sisingiling toll fee ang Iran sa Pilipinas. ( DARIS JOSE)