• April 8, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

LRT-1 magbigay din ng 50% fare discount, hikayat ng mambabatas

HINIKAYAT ni Akbayan Partylist Rep. Perci Cendaña ang Light Rail Management Corporation (LRMC) at Department of Transportation (DOTr) na magpatupad ng 50% discount na parehong ipinatutupad sa mga LRT-2 at MRT-3 stations.

“Nakabalik na’t lahat-lahat ang mga kababayan natin galing sa kanya-kanyang probinsya, wala pa ring fare discount ang LRT-1. Tapos na ang Holy Week — bawasan na natin ang dagdag na pasanin nila sa pamasahe,” anang kongresista.

Ayon sa mambabatas, dapat makipagnegosasyon ang DOTR sa LRMC upang bawasan ang pasahe ng 50%, tulad ng ginagawa sa LRT-2 at MRT-3.

“Dapat ma-secure ito ASAP dahil patuloy ang pagsirit ng presyo ng petrolyo,” dagdag nito.

Hinikayat pa ni Cendaña ang DOTr na mailibre na muna sana ang sakay para sa mga PWDs, senior citizens at mga estudyante sa lahat ng LRT at MRT stations.

Lalo na aniya sa dumadaan ang LRT-1 sa U-Belt area, kung saan maraming estudyanteng umaasa sa public transportation.”

Simula March 23, binawasan ang pasahe para sa LRT-2 at MRT-3 ng have been reduced by 50%, kasunod na rin sa pagtaas ng presyo ng langis dulot ng magaganap na US-Iran conflict. (Vina de Guzman)