Obserbasyon ng Holy Week ngayong taon, generally peaceful – PNP
- Published on April 7, 2026
- by @peoplesbalita
MAPAYAPA at naging maayos ang naging inisyal na assessment ng Philippine National Police (PNP) para sa naging kabuuan ng obserbasyon ng Holy Week Exodus ngayong taon.
Ayon kay PNP Chief PGen. Jose Melencio Nartatez Jr., walang mga naitalang mga major incidents na nakaapekto sa kabuuang obserbasyon ng Lenten Season.
Aniya, nananatiling prayoridad ng pulisya ang ligtas na pagbabalik ng mga biyaheros matapos ang higit isang Linggong inilaan nito para magnilay-nilay.
Kasundo nito, inihayag ni Nartatez na bilang pagpapakita ng kanilang pagbibigay halaga sa kaligtasan at kaayusan ay mananatiling nakatalaga sa iba’t ibang mga lugar ang halos 98,000 na miyembro ng PNP.
( Gene Adsuara)