• April 16, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pagkakaisa piliin kaysa pagkawatak-watak- PBBM

NAKIISA si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa sambayanang Pilipino sa pagdiriwang ng Linggo ng Pagkabuhay at ang banal na pagpapahayag ng muling Pagkabuhay ni Kristo.

“On this day, the empty tomb stands as a powerful testament that life conquers death and hope prevails over despair. Across generations, Easter has reminded us that sacrifice is never in vain, that suffering is not the end but the beginning of renewal,” pahayag pa ni Marcos.

Sa muling pagkabuhay aniya ni Kristo, matatagpuan natin ang matibay na pangako na ang biyaya ng Diyos ay nananatili, at kahit sa pinakamadilim nating sandali, ang pananampalataya ang magdadala sa ating tungo sa liwanag.

Bilang isang ba­yang kilala aniya sa katatagan at malalim na­ting pananam­palataya, dalhin natin ang liwanag ng Pasko ng pagkabuhay sa ating pang araw-araw na buhay hindi lamang sa salita kundi higit sa gawa

Ayon pa sa Pangulo, piliin natin ang malasakit kaysa sa kawalang pakialam at ang pagiging bukas palad kaysa sa sariling interes, at ang pagkakaisa kaysa sa pagkakawatak-watak.

Nanawagan din si Marcos sa mga Pilipino na bumangon na may panibagong layunin at pagkakaisa na ginagabayan ng pananalig at pagmamahal sa bansa.

“Today, I call on every Filipino to rise with renewed purpose, unyeilding hope, and a deep sense of responsibility for one another. Let us build a nation where kindness is instinct and unity is our strength l fore when we stand together guided by faith, bound by love of country and driven by a shared vision, there is no challenge we cannot overcome,” pahayag pa ng Pangulo.

Sama-sama rin aniyang magpatuloy sa pagbuo ng isang Bagong Pilipinas kung saan ang malasakit at pag-aaruga sa kapwa ang patuloy na maglalarawan kung sino tayo bilang isang bayan. (Daris Jose)