• April 16, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

TINAWAG na fake news ng Malakanyang ang kumakalat na ulat na magkakaroon ng energy lockdown sa Abril 20.

Ito ang nilinaw ni Pa­lace Press Officer Atty.Claire Castro matapos na kumalat sa social media nitong Biyernes Santo ang social media post kung saan hinihikayat ang mga Pinoy na mag-stock ng power banks, solar equipment, flashlights, kandila, pagkain, gamot at tubig para sa sinasabing lockdown.
Hinihikayat din na ipakalat ang nasabing impormasyon.
Paliwanag naman ni Castro, walang pinaplanong lockdown ang gobyerno habang patuloy na naghahanap ng alternatibong pagkukunan ng produktong langis sa gitna ng tumitinding tensyon sa Gitnang Silangan.

Nauna nang idineklara ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang isang taong state of national energy emergency para tugunan ang posibleng pagkukulang ng supply.

Plano rin ng gob­yerno na palawakin ang fuel subsidy program sa buong bansa para sa transport sector simula Abril 6.