• April 4, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Humanap ng alternatibong paraan ng enerhiya sa ating bansa, suhestiyon ni House Speaker

DAHIL sa lagi na lang tayo umaasa sa importasyon ng langis, nanawagan si Speaker Faustino “Bojie” G. Dy III na humanap ng alternatibong paraan ng enerhiya sa ating bansa.
“Alam n’yo po, 95 percent ay nag-iimport po tayo, very dependent tayo sa petroleum products, kaya dapat may mga alternatives tayo,” pahayag ni Dy sa isang pagtitipon sa Cauayan City, Isabela nitong Lunes ng gabi.
Partikular na tinukoy ni Dy ang natural gas na aniya ay may potential na maging viable alternative energy upang mabawasan ang dependence ng bansa sa oil imports. Ang natural gas ay matatagpuan din sa lalawigan ng Isabela, sa lungsod ng Santiago at bayan ng San Isidro at Echague.
“Ito po ay mga pwedeng alternative na power para sa ganon kung saka-sakali man na muli kung huminto ito at magkaroon ulit ng crisis ay kahit papaano mayroon tayong ibang mga alternatibo na hindi dapat tayo umaasa sa produktong oil na nanggagaling pa doon sa Middle East,” sinabi ni Dy.
Ito ang naging pahayag ni Dy matapos ang ituring ng House of Representatives ang kasalukuyang krisis sa langis na isang hudyat upang maghanap ng alternatibong energy sources.
Sinabi ni Marikina City Rep. Miro Quimbo, chairman ng House Committee on Ways and Means committee, ang kasalukuyang sitwasyon na nagaganap sa Middle East ay pinalalabas ang kahinaan ng Pilipinas na nakaasa na lamang sa langis na nanggagaling sa rehiyon.
“Ibig sabihin, magkagiyera ulit sa ibang bansa, in the Middle East, apektado na naman tayo. So how do we prepare the country so that it can survive and … it can be less affected whenever or if ever it happens?” pahayag ni Quimbo.
“Number one is, of course, it’s a wake-up call for us to really push for alternative sources of energy na hindi na tayo dapat nagiging dependent sa petrolyo,” ani Quimbo.
Ayon kay Quimbo, itutulak nila ang energy diversification sa isasagawang joint congressional hearings ng 13 committee na pangungunahan ni Speaker Dy. Ang nasabing mga komite ay babalangkas ng batas at ibang mga hakbangin para matugunan ang economic at sectoral impacts dulot ng krisis sa Middle East.
Idinagdag ni Quimbo ang pangangailangan ng national petroleum reserve para masiguro ang supply at presyo ng langis.
“So kailangan din natin na mag-imbak, may sarili ang gobyerno para may pamamaraan para masiguro natin ang supply, and then pangalawa is ‘yung supply na nakuha natin ay nabibili natin ng mura at naitatabi natin ‘yan in case of any emergency,” sinabi ni Quimbo.
Ayon kay Quimbo, abala ang mga mambabatas sa pagapapabilis ng development ng mga renewable at indigenous energy sources tulad ng solar, geothermal at natural gas.
“But we need to be able to fast-track itong mga alternative sources of energy na ito kasi this is how we’re able to thrive or survive this,” sinabi ni Quimbo.
(Vina de Guzman)