Masisilayan din ang tambalang Marthena at KD… Short film nina AIKO at ONEMIG, kinakiligan na sa trailers pa lang
- Published on April 1, 2026
- by @peoplesbalita
TRAILERS 1 and 2 pa lamang ng short film na ‘Kapag Humupa Na Ang Ingay’ ay kinilig na ang mga nakapanood.
Base sa trailer ay kuwento ito ng tunay na mga pangyayari ng pag-ibigan sa pagitan nina Aiko Melendez at Onemig Bondoc, na tulad ng alam nating lahat, dalawampu’t siyam na taon mula noong unang mag-krus ang kanilang landas, ngayon ay boyfriend/girlfriend na ang dalawa.
And what makes this film even more special ay bidang babae rito si Marthena Jickain, ang dalagang anak ni Aiko, na sa unang pagkakataon ay artista na.
From the looks of it, base pa rin sa trailer, ay gaganap na young Aiko si Marthena at young Onemig naman si KD Estrada.
At kung may kilig sina Aiko at Onemig, grabe rin ang screen presence at chemistry nina Marthena at KD.
Isisilang na kaya ang pinakabagong loveteam na mamahalin ng publiko?
Malalaman natin iyan pag ipinalabas na ngayong April 2 sa Aiko Melendez Youtube channel ang ‘Kapag Humupa Na Ang Ingay’ at magbabalik-alaala tayo sa nakaraan (kung saan wala pang cellphone at nabuhay tayo sa panahon ng Easycall at Pocketbell, would you believe?) hanggang hintayin natin ang hinaharap kapag nauwi na sa kasalan sina Aiko at Onemig tulad ng ninanais at ipinagdarasal ng mga taong nagmamahal sa dalawa.
Sa direksyon ni Ronald Guyo at sa panulat nina Aiko at Ronald, produced ito ng 1A Productions nina Aiko at Onemig.
Edited by director Tom Nava, with musical arranger Christian Tui, ang official sound track nito of the same title ay by Aiko rin.
Ang mga sponsors naman ay ang Benedictine International School, Silong The Modern Bahay Kubo, Carlito’s Catering, HotDish Ph, Kgd Metoy and Marlon Faustino (Ericsson Phone and Easycall), Shiela Medina Drapete (Pocketbell), Nailcocktales, Quezon City Mayor Josefina “Joy” Belmonte, Quezon City Memorial Circle, AMINISTRATOR -Windsor Bueno, Mr. Jojo Alonzo, Councilor Vito Sotto, Tikme Dine The RoyalCare Venue, Greenwhich Pizza at ang Headway Vera Salon by Mikhail Hirang.
(ROMMEL L. GONZALES)