6’5” Fil-Am swak sa Gilas Women
- Published on February 29, 2020
- by @peoplesbalita
WALANG tigil si Gilas Pilipinas Women program director Patrick Henry Aquino na tumuklas ng talento para sa asam ng bansa na makaabot sa Summer Olympic Games women’s basketball.
Kaya maagap ang kikilalaning 2019 Philippine Sportswriter Association (PSA) Coach of the Year, sa mga nakikitang talento sa hangaring mapalakas ang national women’s quintet.
Isa na rito ang nakita ni Aquino sa Massachusetts.
Ipinagmalaki niya ang pagsang-ayon na ng 6-foot-5, 16-anyos na si Jenesis Perin para makasama sa Gilas women squad.
Ang ina ni Perin ay isang Pinay at kasalukuyang nag-aaral ang tinedyer sa Lawrence Academy.
Wala pang nakukuhang Philippine passport at visa si Perin, pero psotibo si Aquino na makalalaro ito para sa Pinay 5.
“I invited her for the under-17 and under-18 3×3 tournaments this year, so the federation (Samahang Basketbol ng Pilipinas) will get her a PH passport ASAP,” sabi ni Aquino nitong Martes.
Didribol ang Under-17 Asia Cup sa Hunyo 4-7 sa Cyberjaya, Malaysia. Huling recruits ni Aquino sa team sina Camille Clarin at Ella Fajardo. (REC)