• March 31, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Bukod sa pagta-travel kasama sina Ogie… REGINE, pinag-iisipan kung ano ang gagawin ‘pag nag-retire na

NAPAKASAYA ng birthday celebration ng aktres na si Lotlot de Leon nitong nakaraang Sabado, March 21, mismong petsa ng kaarawan ni Lotlot.
Taliwas sa isang nakita naming online video content ng kung sino na ang sabi ay March 22 raw ang birthday ni Lotlot, at ang edad raw ng aktres ay fifty-five years old, fifty-four lamang ang tunay niyang edad.
Sa La Union pumunta ang pamilya ni Lotlot; ang mga anak na sina Jessica, Diego at Maxine Gutierrez minus Janine Gutierrez na naka lock-in taping sa isang malayong lugar at siyempre ang mister ni Lotlot na si Fadi El-Soury
Kasama rin ni Lotlot ang mga kapatid niyang sina Matet de Leon with husband Mickey Estrada nd two daughters na sina Icay and Mia minus ang isa pa nilang anak na babae na si Mishka na nasa volleyball camp, at ka-join rin siyempre Lotlot’s brothers Kiko de Leon at Kenneth de Leon na kakasal lamang sa wife nitong si Sam na kasama rin sa ElYu with their only daughter Summer.
Ka-join rin sa naturang birthday/summer escapade ang matalik na kaibigan ni Lotlot na si Pinky Esturco-Caslib minus husband Ariston Caslib na may work and their son (and my inaanak) Kandro na busy sa school, and yours truly, and Lotlot’s trusted kasambahay Vicky.
Two nights kami sa La Union at na-explore namin ang ilang magagandang pasyalan doon at na-enjoy ang masasarap na putahe sa mga restaurants na pinuntahan namin.
Ang birthday wish ni Lotlot ay good health and safety nila ng kanyang buong pamilya at marami pang projects this 2026 at sana ay matapos na ang kaguluhan sa Middle East.
***
HULING major concert na ni Regine Velasquez ang magaganap sa Oktubre ngayong taon!
Kinumpirma ito mismo ni Regine sa panayam sa kanya, magre-retire na ang Asia’s Songbird.
Although may mga gagawin pa rin naman siyang projects hanggang 2027 ay unti-unti na siyang magla-lie low sa showbiz, partikular na sa mga malakihan o major concerts
“I still have mga projects next year and then eventually I retire. Simple lang.
“Sabi ng asawa ko retirement means naman not really stopping altogether.
“It means doing whatever it is that you wanna do. But it frees me from yung pressure of trying to please everyone, which I like.”
Pinag-iisipan pa rin daw niya kung ano ang gagawin niya kapag retired na siya.
“Kasi di ba, yung concept ng retirement is yung tumunganga ka na lang sa bahay mo.
“Parang ayoko rin naman iyon, parang, ‘Anong gagawin ko?’ Hindi rin ako sanay nun.
“Kasi I kept thinking, ‘What I’m gonna do next if I retire?’
“Parang I have to find something to do, parang… mananahi ba ako? Parang kailangan kong bumili ng sewing machine?
“I don’t know…
“But I need to find something to do.”
Ayon pa sa Asia’s Songbird, hindi naman nangangahulugang tuluyan na niyang tatalikuran ang career na minahal at inalagaan niya sa loob ng mahigit apat na dekada.
“I guess I don’t have to completely stop.
“Sabi ng asawa ko, ‘Retirement means hindi ka kailangan totally tumigil. You just have to free yourself of the pressure.’”
Malamang ay ang pagbibiyahe ang isa sa pagkakaalabahan ni Regine at ng mister niyang si Ogie Alcasid kapag nag-retire na siya.

(ROMMEL L. GONZALES)