• April 16, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Ricci Rivero nagpakawala ng 40 points para talunin ng Phoenix ang Terrafirma 133-105

HINDI pinaporma ng Phoenix ang Terrafirma 133-105 sa nagpapatuloy na PBA 50 Commissioner’s Cup.

Bumandera ang ginawang 40 points ni Ricci Rivero para buhatin ang Phoenix sa laro na ginanap sa Ynares Center sa Antipolo.

Nag-ambag naman ng 20 points si Francis Escandor, habang mayroong 14 points at 13 rebounds si James Dickey III.

Pinuri naman ni Phoenix coach Charles Tiu ang ginawang opensiba ni Rivero.