Navoteños, nakapag-avail ng serbisyong legal sa Katarungan Caravan
- Published on March 25, 2026
- by @peoplesbalita
MARAMING residente ng Lungsod ng Navotas ang nakapag-avail ng serbisyong legal sa isinagawang Katarungan Caravan na pinangunahan Department of Justice (DOJ) na ginanap sa Navotas Convention Center.Sa tulong ng mga kinatawan mula sa DOJ at volunteer lawyers, nakapag-bigay ang Pamahalaang Lungsod ng libreng serbisyo at kapanatagan ng loob sa mga Navoteño na nangailangan ng PSA documents, NBI at Prosecutor’s clearance, pati na rin ang ginawang libreng konsultasyong legal.Nagkaroon din ng mga lecture sa anti-Violence Against Women and Children Act, Katarungang Pambarangay, Safe Spaces Law, Sextortion at Cybercrime.Dahil dito, marami ang nasiyahan sa mga nag-avail ng serbisyong legal dahil hindi na kailangan silang pumunta sa ibat-ibang ahensya na malalayo para lang kumuha ng mga kailangang dokumento at lisensiya.Lubos namang nagpasalamat si Mayor John Rey Tiangco sa DOJ at volunteer lawyers sa matagumpay na Katarungan Caravan.“Patuloy po tayong magiging katuwang sa paghahatid ng programang direktang nakikinabang ang mga taong-bayan,” ani Mayor Tiangco.“Katulad ng DOJ, nais natin ang pantay na hustisya para sa mga Navoteño anuman ang kasarian, katayuan sa buhay at paniniwala,” dagdag niya. (Richard Mesa)