• March 21, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Muli silang magtatambal sa seryeng ‘Born to Shine’… MICHAEL at ZEPHANIE, naging close pero itinangging naging sila

MULING magtatambal sina Michael Sager at Zephanie sa bagong GMA Afternoon Prime, ang ‘Born to Shine’.

It’s a musical series kaya karamihan sa cast ay mga kilalang singers mula 90’s at sa era ngayon ng mga P-Pop.

Pinapaamin namin sina Michael at Zephanie kung naging sila ba noong ginawa nila ang ‘Sparkle U’, pero pareho ang sagot nila na friends lang sila, though, naging very close talaga sila dahil for Michael na bagong salta sa industriya and from Canada, sila ang naging malapit.

Pero ‘yun nga, nagkahiwalay sila at nagkaroon ng individual career. Pero sabi namin, we really had an impression na naging sila talaga.

Sa isang banda, malaking break kay Zephanie ang ‘Born to Shine’. Ito ang biggest project niya to date. Kay Michael din naman, though, nakapag-lead na siya sa “Shining Inheritance”

Promising sa amin ang trailer pa lang kaya sana talaga mag-hit. Kasama rin nila rito si Olive May, Tina Paner, Manilyn Reynes, Roselle Nava, Vina Morales at iba pa.

Sa Lunes, March 23 na ito magsisimulang mapanood.

***

HUHUSGAHAN na ang bagong team-up nina Rhen Escaño at Joseph Marco sa kanilang Viva One series na sa Wattpad ay isa sa most read, ang “My Husband is a Mafia Boss.”

Ayon kay Joseph, nadiskubre raw niya kay Rhen na wala itong confidence sa sarili, e, ayon dito, magaling naman. Kaya palagi raw n’yang kinakausap at pinapalakas ang loob.

Si Rhen naman, sey n’ya, “Nadiscover ko kay Joseph na pwede pala ‘yon, first time mong makasama na tao, pero hindi mo kailangang mahirapan, mag-effort, para lang magkaroon ka ng connection.

“Kasi, mahirap po ‘yon, totoo… kasi, hindi lahat ng makakasama ko, makakasundo mo kaagad.”

Nagwo-worry raw si Rhen noong una na baka iniisip ni Joseph kung sino lang naman siya.

“Hindi po n’ya pina-feel sa akin na nobody lang ako. And masasabi ko na may special friendship between us. Masaya na may kakampi ka, ‘yung gano’n po.”

Sa totoo lang, bukod sa title at nang mapanood namin ang trailer, ang naalala talaga namin sa serye na ito ay ang mga vertical drama ng chinese na madalas ay gano’n ang tema.

(ROSE GARCIA)