‘Di nagbigay ng detalye bilang respeto sa ex-gf… JERIC, kinumpirma na naghiwalay na sila ni RABIYA
- Published on March 19, 2026
- by @peoplesbalita
KINUMPIRMA na ni Jeric Gonzales na hiwalay na nga sila ni Rabiya Mateo!
Nangyari ito sa guesting ni Jeric sa “Fast Talk with Boy Abunda” nito lamang Lunes.
Pero umamin man sa hiwalayan ay hindi nagbigay ng detalye ang Sparkle actor sa dahilan ng paghihiwalay nila ng beauty queen/actress.
“Si Rabiya kasi, wala siyang binanggit about sa topic na ‘to, about sa breakup. So parang bilang respeto sa kaniya, Tito Boy, ayokong magsalita about it,” sinabi ni Jeric.
Kapwa nila ipinaglaban ang kanilang relasyon pero nagdesisyon na rin kapwa na maghiwalay.
“But of course, there are things din mutually na nakapagsunduan din namin na parang kung ilalaban natin ‘to, mas mahihirapan tayong pareho. Parang, we have to grow.”
Sa kabila ng nangyari ay friends pa rin daw sila ni Rabiya.
Nagpasalamat rin si Jeric sa mga natutunan niya sa kanilang naging relasyon at sa pag-aalaga sa kanya ng dating karelasyon.
“And of course, she loved me for who I am.
“I mean showbiz, it’s very difficult na magkaroon ng relasyon, but lahat inintindi niya ‘yon. Malawak siyang tao, si Rabiya.
“Sorry kasi sana nga masamahan ko pa siya ngayon sa lahat ng journey niya.
“I’m proud of her, and I wish her all the best pa rin sa lahat ng ginagawa niya.”
(ROMMEL L. GONZALES)