• March 11, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Malaking challenge ang balik-tambalan sa ’The Silent Noise’… ANGELICA at ZANJOE, sobrang comfortable na talaga sa isa’t-isa

BALIK-TAMBALAN sina Angelica Panganiban at Zanjoe Marudo sa upcoming Filipino crime drama na “The Silent Noise” na produced ng ABS-CBN Studios.
Mula ito sa direksyon ni Onat Diaz (“The Alibi”), which tells the story of a deaf son who risks a Makakasama sina Angelica at Zanjoe sina Mylene Dizon, Zaijian Jaranilla, Mute Orquia at ang newest child actor na si KD Omalin.
Nasa mini-series din sina Joem Bascon, Karina Bautista, Tommy Alejandrino, Ramon Christopher Gutierrez, Joel Saracho, Junjun Quintana, Kakki Teodoro, at Ralph Malibunas.
Nitong March 10, ginanap ang Blue Carpet Celebrity Premiere at Grand Media Conference sa Gateway Mall 2, Cinema 11, na kung saan pinasilip ang first episode ng serye.
Anyway, fresh na fresh pa sa lahat ang balik-tambalan nina Angelica at Zanjoe sa ‘UnMarry’ na naging bahagi ng 51st MMFF at ito nga nagbabalik naman sila para sa isang mini-series, na susubok na naman sa husay nila sa pag-arte.
Para sa aktor, “iba naman ito sa dami ng pinagdaanan namin ni Angelica, from light to romance, comedy to gag show.”
Singit naman ng aktres, “I think ito ang pinaka-seryoso natin or darkest siguro na nagawa namin.”
Dagdag pa ni Z, “magaling ang project na ito para sa akin, kasi mas nate-test pa namin ang isa’t-isa.”
Kuwento naman ni Angge tungkol sa muling pagsasama nila ni Zanjoe.
“Feeling ko ganun na ka-kumportable si Z, dahil nakakapag-open up na siya lalo na pag may questions siya sa dapat niyang gawin kapag naguguluhan siya. Binibigyan ko naman siya ng payo, na dapat ganito lang.
“Parang kasi noon, may ego pa siya, na baka pag nagtanong ako, baka isiping hindi ko kaya ang eksena. Eh, ngayon we are comfortable with each other, kahit ako ganun din ako kanya, pag may agam-agam ako na, tama ba ‘yun, okay lang ba ang ginawa ko.
“Kasi siguro, parang package deal na kaming dalawa, lagi na lang kaming nakikita na magkasama sa isang project.”
Aminado rin ang dalawa na malaking challenge ang roles nila sa “The Silent Noise” na magpi-premiere sa Prime Video ngayong March 20 sa Pilipinas at mahigit 240 bansa at teritoryo sa buong mundo.
(ROHN ROMULO)