NTC, sumuporta… Free calls para sa OFWs sa Middle East , iniutos ni PBBM
- Published on March 11, 2026
- by @peoplesbalita
MAAARI nang tawagan ng libre ng mga Overseas Filipino Worker (OFW) mula sa Middle East ang kanilang mga pamilya rito sa Pilipinas.Ito ang inanunsiyo ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kasunod ng paglulunsad ng pamahalaan ng “Libreng Tawag Program” para sa mga bansang Iran, Iraq, Bahrain, Kuwait, Oman, Qatar, United Arab Emirates at Saudi Arabia.Sinabi pa ng Pangulo na magkakaroon din ng mga libreng call stations sa mga piling mall para mas madaling makausap ng mga pamilya ang kanilang mga mahal sa buhay.Sa pamamagitan aniya nito ay masisiguro na ang ating mga kababayan ay mananatili ang komunikasyon sa kanilang mga pamilya at masisiguro na ligtas ang kanilang kalagayan.“Through these efforts, we want to ensure that our kababayans can remain connected with their families, offer comfort to one another, and confirm their safety without additional financial burden,” ayon pa kay Pangulong Marcos.Samantala, nagpahayag ng buong suporta ang National Telecommunications Commission (NTC) sa direktiba ng Pangulo.Ayon kay NTC Commissioner Ella Blanca Lopez, mahalagang hakbang ang pag-activate ng Libreng Tawag Program upang matulungan ang OFWs na manatiling konektado sa kanilang mga pamilya sa gitna ng krisis.Sinabi ni Lopez na patuloy na babantayan ng NTC ang pagpapatupad ng direktiba ng Pangulo at magsasagawa ng kinakailangang koordinasyon upang matiyak na makikinabang dito ang OFWs at kanilang mga pamilya.Binigyang-diin pa ng NTC Commissioner, ang hakbang na ito ay bahagi ng pagsisikap ng pamahalaan na matiyak na nananatiling abot-kamay at maaasahan ang komunikasyon para sa mga Pilipino, lalo na sa panahon ng krisis. (Daris Jose)