• April 28, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

COMELEC, HINDI MAGPAPATUPAD NG 4 DAYS WORK

HINDI magpapatupad ng four days work week ang Commission on Elections (Comelec) dahil sa nagpapatuloy na paghahanda para sa tatlong halalan na nakatakda ngayong 2026.
Sinabi ni Comelec Chairman George Erwin Garcia nahindi maipapatupad ng Comelec ang nasabing iskedyul dahil sa kasalukuyang voter registration .
Bukod dito, puspusan din ang paghahanda sa ikalawang distrito ng Antipolo City na itinakda sa Marso 14; ang Bangsamoro parliamentary elections na isasagawa sa Setyembre at ang Barangay at Sangguniang Kabataan elections sa Nobyembre 2.
Bagama’t hindi in-adopt ang polisiya, sinabi ni Garcia na nagsimula na ang Comelec sa pagpapatupad ng ilang hakbang para makatipid sa enerhiya, kabilang ang pagpatay ng air-conditioning units isa hanggang dalawang oras bago matapos ang oras ng trabaho at pag-unplug ng mga hindi ginagamit na appliances.
Hinikayat din ang mga empleyado na mag-carpooling at iwasan ang pagbiyahe para sa mga meeting kung maaari itong gawin online .(Gene Adsuara)