• April 28, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Dahil sa announcement ng St. Peter the Apostle Parish… BEA, nabunyag na ang napipintong pagpapakasal nila ni VINCENT

PINAG-UUSAPAN ngayon ng netizens ang napipintong kasal nina Kapuso actress na si Bea Alonzo sa kanyang boyfriend na presidente at direktor ng Puregold Price Club na si Vincent Co.
Kumalat na kasi sa social media ang sinasabing marriage banns nina Bea at Vincent na kung saan in-announce rin sa St. Peter the Apostle Parish sa Manila nitong nagdaang March 8 ang pangalan ng magkarelasyon.

Mababasa na, “Ferdinand Vincent Pe Co – Groom and Phylbert Angelli Escalante Ranollo – Bride” ang nakalista sa naturang wedding banns.

Ito ang tunay na pangalan ni Bea na nakasulati sa public notice na marriage banns na inilalabas sa respective parish ng bride at groom sa loob ng tatlong magkakasunod na linggo.

Isa ito sa requirement para sa mga idaraos na Catholic wedding para masiguro na walang magiging isyu o problema sa bawat panig ng mga magpapakasal.

Karaniwang ipinaaalam at isinusimite ito apat na buwan bago ang araw ng seremonya.

Wala pa namang opisyal na pahayag sina Bea at Vincent tungkol sa nalalapit nilang pagpapakasal sa taong ito.