• April 28, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

800 tourist police, ikakalat sa bansa

SIMULA sa Abril, magpapakalat ng nasa 800 tourist police ang Department of the Interior and Local Government (DILG) sa iba’t ibang p­angunahing destinasyon sa bansa.

Ayon kay DILG Secretary Jonvic Remulla, ito’y upang mapaigting ang kampanya para sa kaligtasan at seguridad ng mga pasyalan gayundin ng mga turista.

Pasisimulan ang hakbang na ito sa Bonifacio Global City (BGC), Poblacion sa Makati, Boracay, Siargao, Cebu, Bohol, at Puerto Princesa.

Ani Remulla, sa pamamagitan ng inis­yatibang ito, mapapaigting ang police visibility sa mga high-traffic tourist ­areas, maiibsan ang criminal activity at matitiyak ang mabilis na emergency response habang nagpapahusay ng isang ligtas at welcoming environment sa mga bisita at local businesses.
Sinabi ni Remulla na ang 800 tourist police officers ay gagamit ng motorcycles upang mas mapabilis ang pagresponde sa mga panahon ng emergency particular sa mga crowded tourist sites at remote scenic areas.
Upang mas mapalakas ang seguridad, ang tourist police ay tutulong na mai-promote ang central emergency hotline ng bansa upang matiyak ang mabilis na pag-alalay sa mga bisita at lokal na mga negosyo.
“Every tourist that arrives in the Philippines will be given the calling card of 911. Para alam nila na we have a 3-minute response time kahit nasaan sila sa Pilipinas,” sabi ni Remulla. ( DARIS JOSE)