• March 12, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Parehong engaged na sa magkakaibang partners… THEA, naniniwala na weird na imbitahan nila ni MIKOY ang isa’t-isa sa kanilang kasal

PAREHONG na-engage sa magkakaibang partners ang dating magkarelasyon na sina Thea Tolentino at Mikoy Morales.

Mauuna nga lang ikasal si Mikoy sa ngayong March sa fianceé na si Isa Garcia.

Nagkuwento si Thea na huli silang nagkita ni Mikoy ay sa isang wedding din.

“Nagdi-direct na rin pala si Mikoy and may wedding ‘yung friend ni Juancho (Triviño) and ni Martin (San Miguel, her fiancé) and si Mikoy pala ‘yung director nung reception. And then doon nagkausap-usap kaming lahat sa isang table.”

Masaya raw ang naging kuwentuhan nila at tungko ito sa individual wedding preparations nila.

“More like pinagtatawanan ‘yung mga stress sa preparations like ‘yung dapat unahin ‘yung simbahan, how much ‘yung gagastusin, kasi ‘yun ang nakaka-stress. ‘Yun ‘yung nakakatawang part,” sey ng ‘Apoy Sa Dugo’ kontrabida.

Sa tanong kung iimbitahan ba nila ang isa’t isa sa kanilang wedding?

Ang sagot ni Thea ay…

“Ay, hindi po. I think boundaries din and parang weird,” tawa pa ni Thea.

***

PAGKATAPOS na mabigyan ng trabaho si Tuesday Vargas na mag-host sa children’s party sa isang local fastfood joint, biglang dumating ang offer na maging regular performer sa Costa Serena cruise ship.

Naiyak nga raw si Tuesday sa first performance niya sa cruise ship dahil sinagot daw ni Lord ang mga dasal niya.

“In the middle of one song, I shed tears because I felt the Lord’s presence on stage. I know he was there with me, assuring me that he is a loving God and that he will always provide for those who remain faithful despite the many hardships we face,” sey ng singer-comedian.

Hinahanda na ni Tuesday ang sarili dahil may mga gagawin na siyang shows this year sa Canada, the United States, Europe, and Australia.

“So moral of the story is, whenever we feel like we have lost our battles, let’s keep our heads high and ask the Lord for provisions,” sabi niya.

“Mabuhay ang mga lumalaban sa buhay. Padayon,” post pa niya.

***

TATLO sa anak nila Angelina Jolie and Brad Pitt ang nilaglag ang “Pitt” sa kanilang pangalan.

Una ay ang adopted son na si Maddox na kilala na as Maddox Jolie. Nagtatrabaho ito bilang assistant director ni Angelina sa pelikula nito titled Couture.

Si Maddox ang nabalita noong sinaktan ni Brad noong lasing ito habang nasa loob sila ng private jet. Isa iyon sa rason kung bakit nag-file agad si Angelina ng divorce at custody ng kanilang mga anak in 2016.

Ang biological daughters naman nila na sina Shiloh at Vivienne ay nilaglag din ang Pitt sa kanilang names.

Si Shiloh ay kilala na as Shi Jolie noong mag-turn 18 ito.

Vivienne is billed as Vivienne Jolie sa Playbill ng Broadway production of The Outsiders.

(RUEL J. MENDOZA)