• March 9, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PBBM, ipo-promote ang kapakanan ng mga kababaihan, kapayaan sa UN events

BIBIGYANG-diin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang commitment ng Pilipinas na isulong ang kapakanan ng mga kababaihan sa 70th session ng Commission on the Status of Women (CSW) sa New York, Estados Unidos.
Sinabi ni Department of Foreign Affairs (DFA) spokesperson Assistant Secretary Angelica Escalona na inaasahan na magbibigay ng kanyang pananalita si Pangulong Marcos sa nasabing event.
“Magsasalita po ang Pangulo sa 70th Session ng Commission on the Status of Women o CSW 70,” ang sinabi ni Escalona sa press briefing sa Malakanyang.
“He will also highlight here the Philippines’ commitment to promote, advance and protect the rights and well-being of women and girls,” aniya pa rin.
Ang working visit ng Pangulo sa Estados Unidos ay mula Marso 8 hanggang 11.
Makakasama naman ng Pangulo sa byahe niyang ito si Unang Ginang Liza Araneta-Marcos, pati na rin sina DFA Secretary Maria Theresa Lazaro, Migrant Workers Secretary Hans Leo Cacdac, Presidential Peace Adviser Carlito Galvez Jr., at Presidential Communications Office acting Secretary Dave Gomez.
Ang CSW ay isang UN commission na nagsisilbi bilang principal global intergovernmental body na nakatuon para i-promote ang ‘gender equality, karapatan ng mga kababaihan, at women’s empowerment.’

Ang CSW 70 ay nakatuon naman sa pagpapalakas ng access sa katarungan para sa lahat ng mga kababaihan, pino-promote ang inclusive at equitable legal systems, inaalis ang discriminatory laws, at tinutugunan ang structural barriers.
( Daris Jose)