• March 9, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

DOLE, nagsagawa ng NTIPC Pre-Inspection Seminar Intervention sa Navotas

IBINAHAGI ng mga kawani ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa Pamahalaang Lungsod ng Navotas ang pinakabagong updates sa labor policies ngayong taon, pati na ang mga revisions at dagdag sa inspection at enforcement procedures sa ginanap na NTIPC Pre-Inspection Seminar Intervention.
Ayon kay Mayor John Rey Tiangco, mahalaga ang ganitong seminar upang mas maging handa ang mga negosyo sa Lungsod ng Navotas at mas maintindihan ang tamang pagsunod sa mga umiiral na batas
“Alam nating mabusisi ang proseso ng inspection, at kapag may kakulangan ay may kaakibat na compliance order na nakakaapekto sa oras, resources, at operasyon ng negosyo,” aniya.
“Kaya patuloy nating hinihikayat ang ating mga stakeholders na makiisa at maghanda upang masigurong maayos, ligtas, at compliant ang ating mga workplace para sa kapakanan ng lahat,” dagdag niya.

Ginawaran din si Mayor Tiangco at ang Navotas Tripartite Industrial Peace Council ng Plaque of Appreciation ng DOLE para sa pagiging program partner ng lungsod sa implementasyon ng Child Labor Prevention and Elimination Program sa pamamagitan ng Information and Service Caravan on Child Labor noong 2025. (Richard Mesa)