Mayor Tiangco, lumagda sa Multi-party Convergence Memorandum of Agreement
- Published on March 7, 2026
- by @peoplesbalita
LUMAGDA si Navotas City Mayor John Rey Tiangco ng Multi-party Convergence Memorandum of Agreement kasama ang Department of Migrant Workers, Overseas Workers Welfare Administration, Department of Labor and Employment, at TESDA upang mas mapalakas ang pagsusulong ng karapatan at kapakanan ng mga migrant workers at kanilang pamilya.
Ayon sa alkalde, mahalaga ang pagtutulungang ito upang mas mailapit ang mga programa, serbisyo, at oportunidad na makakatulong sa mas ligtas, maayos, at mas matatag na kinabukasan ng kanilang mga kababayan dito man sa Navotas o sa ibang bansa. (Richard Mesa)