• April 28, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

BI AT PHILIPPINE ARMY, LUMAGDA SA KASUNDUAN

LUMAGDA sa isang Memorandum of Understanding (MOU) ang Philippine Army at Bureau of Immigration upang palakasin ang koordinasyon sa pagbabantay sa hangganan at seguridad ng bansa.

Nilagdaan ang kasunduan noong Pebrero 23 sa Fort Bonifacio sa Taguig City nina Army Commanding General Antonio G. Nafarrete at Immigration Commissioner Joel Anthony Viado.

Sa ilalim ng kasunduan, pagtitibayin ang palitan ng intelligence information, koordinasyon sa operasyon, at pagsasagawa ng joint trainings at field operations upang labanan ang terorismo, human trafficking, transnational crime, at iba pang immigration violations.

Magkakaroon din ng Joint Coordination Committee upang pangasiwaan ang mga polisiya, operasyon, at mga programang magpapalakas sa seguridad ng bansa. Ayon sa dalawang ahensya, layunin ng partnership na mas maprotektahan ang mga hangganan ng Pilipinas at ang kaligtasan ng mamamayan laban sa mga banta mula sa ibang bansa. (Gene Adsuara)