• March 9, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PBBM, pinangasiwaan ang oath of office ni DENR Acting Secretary Cuna

PINANGASIWAAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang panunumpa sa tungkulin ni Juan Miguel Cuna bilang Acting Secretary ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa isang pormal na seremonya sa ginawa sa Palasyo ng Malakanyang.
Inatasan ng Pangulo si Cuna na pamunuan ang DENR, kung saan una siyang naglingkod bilang Undersecretary mula July 2017 hanggang February 2026 at bilang isang Assistant Secretary mula 2008 hanggang 2017.
Nagtamo si Cuna ng Master’s degree sa Public Management sa Lee Kuan Yew School of Public Policy, National University of Singapore at John F. Kennedy School of Government, Harvard University sa Estados unidos.
Natapos niya ang kanyang Bachelor of Laws mula Ateneo Law School, at Bachelor of Arts in Development Studies mula University of the Philippines, Manila.
Si Cuna ay nagsilbi rin bilang City Councilor ng 5th District ng Maynila mula 2001 hanggang 2007 at naunang itinalaga bilang Director ng Presidential Legislative Liaison Office sa Office of the President of the Philippines mula 1998 hanggang 2001.
Bago pa pumasok sa mas mataas na public service, nagtrabaho siya bilang Local Legislative Staff Officer V sa Manila City Council noong 1995. Maliban sa kanyang government career, nagsilbi rin si Cuna bilang law professor sa Arellano Law Foundation.
( Daris Jose)