• March 6, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Rider, nahulihan ng baril sa Oplan Sita sa Malabon

KALABOSO ang 40-anyos na rider matapos mabisto ang dalang baril nang masita ng mga pulis na nagsasagawa ng Oplan Sita sa Malabon City, Martes ng umaga Sa ulat ni Malabon Police Chief P/Col. Allan Umipig kay Northern Police District (NPD) Acting Director P/BGen. Christopher Dela Cruz, kinilala ang suspek na isang messenger at residente ng Navotas City.Ayon kay Col. Umipig, habang nagsasagawa ng Oplan Sita ang mga tauhan ng TMRU sa Brgy., Concepcion nang parahin nila ang suspek na sakay ng isang motorsiklo na may improvised na plaka para sa biripikasyon dakong alas-9:30 ng umaga.Sa isinagawang pag-inspeksyon, nadiskubre ng pulisya sa loob ng sling bag ng suspek ang isang kalibre .9mm Taurus firearm na may magazine, bala at holster.Nang wala siyang naipakitang kaukulang mga dokumento hinggil sa ligaledad ng nasabing baril ay pinosasan siya ng mga pulis habang inimpound naman ang kanyang motorsiklo nang wala rin siyang naipakitang mga dokumento nito.Sasampahan ng pulisya ang suspek ng kasong paglabag sa RA 10591 (Comprehensive Law on Firearms and Ammunition) sa Malabon City Prosecutor’s Office.Pinuri naman ni NPD Director Gen. Dela Cruz ang Malabon CPS sa pagiging alerto ng mga ito na dahilan ng pagkakaaresto sa suspek at binibigyang-diin na ang NPD ay nananatili aniyang matatag sa pagpapaigting ng kampanya laban sa kriminalidad para matiyak ang mas ligtas na komunidad. (Richard Mesa)