Quezon City Rep. Bong Suntay, pormal nang sinampahan ng reklamo sa House Ethics Committee
- Published on March 5, 2026
- by @peoplesbalita
PORMAL nang sinampahan ng reklamo sa House Ethics Committee si Quezon City Rep. Bong Suntay nitong Huwebes bunsod sa kanyang ipinakitang kabastusan sa pagdinig ng House Committee on Justice nitong nakaraang Lunes.
Mga Women’s rights advocates sa pangunguna ni Gabriela Rep. Sarah Elago ay nagsampa ng reklamo sa House Ethics Committee laban kay Suntay sa paglabag nito ng Republic Act (RA) 6713 o ang Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees.
Partikular na tinukoy ni Elago ang ginawang pahayag ni Suntay sa pagkakahintulad ng kanyang imahinasyon nung nakita niya ang aktres na si Anne Curtis sa isang shopping mall na “so beautiful” at “may desire sa loob ko na nag-init talaga.”
Kinabukasan, humingi ng sorry si Suntay sa lahat umano ng kaniyang na-offend sa kanyang komento pero nanindigan pa rin sa kanyang analohiya.
Inihayag naman ni Elago na hindi sinsero si Suntay at non-apology pa rin ito sa pangangatwiran sa kaniyang analohiya na imahinasyon lamang umano sa kaniyang pagkabighani sa alindog ni Anne Curtis.
“Ang mga pahayag na nagtatrato sa mga kababaihan bilang object ng ‘imagination’ at ‘desire’ sa public hearing at interview ay may real-life consequences sa mga babaeng nakararanas ng iba’t ibang porma ng pambabastos, diskriminasyon, at abuso sa araw-araw,” ani Elago. (Vina de Guzman)