• March 4, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Presyo ng petrolyo, sisipa

INAASAHAN na ng Department of Energy (DOE) ang pagtaas sa presyo ng langis bunsod na rin ng tensiyon na nagaganap sa Gitnang Silangan.

“The price will really go up. I will not sugarcoat. Now, even if you say that there is oil coming, it will go up because of the tensions,” ayon kay Energy Secretary Sharon Garin.
Inihayag ito ni Garin kaugnay ng napaulat na pagsasara ng Strait of Hormuz na isang mahalagang ruta na dinaraanan ng malaking bahagi ng suplay ng langis sa buong mundo.

Bagama’t hindi aniya direktang sangkot ang Pilipinas sa tensyon sa Middle East, apektado rin nito ang inaangkat na mga produktong ­petrolyo ng bansa.
“The stress of the market will increase the price until it stabilizes. So we need to expect that,” aniya pa.

Tiniyak naman ni Garin na sa kasalukuyan ay masusi nang sinusubaybayan ng DOE ang antas ng suplay ng langis.

“We are monitoring our supply because we are aware that if the closure of the Strait of Hormuz continues for days or weeks… we need to make sure,” dagdag pa ng kalihim.