• March 3, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

‘Di namalayan na one year nang magka-relasyon… MAVY, ginawan ng paraan para makapag-dinner sila ni ASHLEY noong Valentine’s Day

BILANG Valentine’s Day celebration ay kumain sina Ashley Ortega at boyfriend niyang si Mavy Legaspi.
“Nag-dinner kami ni Mavy. Siya yung nag-prepare noon.
“Buti nga nagkaroon kami ng time ngayon. Kasi nung Valentine’s Day [last year], he had work that time, kasi nasa PBB [Pinoy Big Brother] siya nun.
“So, ginawan niya talaga ng paraan. So, we went straight to dinner.
“And yun lang po, nag-dinner kami together.”
Kumusta ang higit sa isang taon na nilang relasyon “Ang saya! Actually, hindi na nga namin namalayan na one year na pala kami.
“Kasi parang… parang kailan lang kami nung nag-start mag-date.
“But it’s been a year, more than a year.
“And we’re doing good and we’re getting to know each other in a deeper level every day.
“And, of course, talagang happy kami sa relationship.”
Two years ang tanda ni Ashley kay Mavy.
“Three years. Pero parang two years na rin kasi birthday ko December, siya January.
“Kaya nga yung mga ano, tao talaga, e. Three years actually, pero parang two years kasi last month ako ng year.
“Siyempre, tulad din naman ang sinabi ko dati, hindi talaga ako sanay na magkaroon ng boyfriend na younger than me.
“But then, you know, Mavy really proved himself to me, proved his worth, and sobrang ini-effort-an niya ako.
“So, I fell in love with him.
“And hindi ko nararamdaman actually pag magkasama kami, yung age gap namin sa isa’t isa, kasi isip-bata din naman ako, e.
“So, parang nama-match naman namin yung maturity level ng isa’t isa. Hahaha!
“And, yeah, hindi ko na na-iisip na, ‘Shucks, ang layo pala ng age gap namin.”
Kontrabida ang role ni Ashley sa ‘Apoy sa Dugo.’
Bukod kay Ashley, bida rin sa serye ang magkasintahang sina Derrick Monasterio at Elle Villanueva.
Kasama rin sa cast sina Pinky Amador, Thea Tolentino, Ricardo Cepeda, Cai Cortez, Toniyuh, at Larkin Castor.
Mapapanood na ito sa GMA Afternoon Prime simula sa Lunes, March 2, 2026.

(ROMMEL GONZALES)