• February 21, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Mensahe ng pasasalamat at kapayapaan sa Year of the Fire Horse ni Yorme Isko Moreno

NAGBIGAY ng mensahe ng pasasalamat at nanawagan ng kapayapaan si Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso para sa makulay at masayang pagsalubong sa Year of the Fire Horse.
Sa kanyang talumpati, taos-puso ring nagpasalamat ang alkalde sa Filipino-Chinese community sa kanilang patuloy na pakikiisa at pagtutulungan upang maitaguyod ang taunang selebrasyon na sumasalamin sa matibay na ugnayan at pagkakaibigan.
Ayon sa alkalde, naging matagumpay ang pagdiriwang sa kabila ng walang ginastos ang pamahalaang lungsod para rito.
“Walang gastos ang Lungsod ng Maynila, pero iyong ligaya na natanggap ng mga dumako rito, in fact, marami ang taga-ibang lugar outside of Manila who really went here just to watch the drone show and the fireworks. It’s very beautiful, medyo na-speechless ako kanina, talagang kakaiba,” pahayag ni Mayor Isko.