• February 14, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

‘Di man katangkaran ay biniyayaan ng mga talento… WILL, diretsahang sinagot ang basher na nanglalait sa height niya

DIRETSAHANG sinagot ni Will Ashley ang isang basher na nagkomento tungkol sa height niya.
Nangyari ito habang ongoing ang gaming livestream ng Sparkle actor na sa tangkad na 5’7″ ay tila naliliitan pa sa binata ang naturang basher.
“Ginagawang pangkabuhayan yung pamba-bash. Wala na ba kayong ibang pam-bash kung hindi height ko,” pagpaprangkang sagot ni Will sa basher.
“Diyos ko, five years na akong tapos diyan. Wala na ibang mahanap?”
“Anong magagawa ko ito lang binigay ni Lord, e!”
Litanya pa ni Will, hindi man siya nabiyayaan na maging matangkad na matangkad, binigyan naman daw siya ni Lord ng maraming talento.
“At least binigyan ako ng talents, singing, dancing, acting, modeling din ako, gamer ako.
“Compare mo yun sa height ko. One equals five? Anong gagawin ng height ko sa talents ko,” pagtukoy ni Will sa “1=5” na height (1) at talents (5) niya.
Hindi na bago kay Will ang ganitong isyu dahil sa isang episode noon ng ‘PBB: Celebrity Collab Edition Season 1’ (kung saan itinanghal siyang 2nd Big Placer), naikuwento ni Will isa sa madalas na natatanggap niyang pamba-bash ay tungkol sa kanyang height.
“Nakakaapekto sa akin before ay mga comments na, ‘May itsura, magaling sana kaso kulang sa height.’”
Samantala, busy si Will ngayon bilang parte ng ng bagong collab project ng GMA Network at ABS-CBN, ang suspense-thriller na The Secrets of Hotel 88.
Kasama niya rito ang Big Winners ng PBB: Celebrity Collab Edition na sina Mika Salamanca, at Brent Manalo pati na rin ang mga dating housemates na sina Bianca de Vera, Dustin Yu, Ralph de Leon AZ Martinez, Josh Ford, River Joseph, Klarisse de Guzman, Esnyr Ranollo, Xyriel Manabat at Kira Balinger.

(ROMMEL L. GONZALES)