• February 14, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

‘90s pa ang huling nagawang horror movie… GELLI, na-excite na makatrabaho sina PILAR at Direk LOUIE

SINA Gelli de Belen at Pilar Pilapil ay kabilang sa main cast ng pelikulang “Mantsa.”

Isa itong kaabang-abang na psychological thriller movie.
Bago nagsimula ang shooting nito ay nakapanayam namin ang dalawang mahusay na aktres at ang award-winning direktor nito na si Direk Louie Ignacio. Nabanggit nila ang ilang bagay na may kaugnayan sa kanilang pelikula.

Sinabi ni Direk Louie na ibang klaseng challenge sa kanya ang pelikula dahil nandoon ang veteran actress na si Ms. Pilar.

Wika niya, “Nakaka-challenge ito for me.’ Kasi nag-e-expect siya ng good quality, kasi nandoon si Pilar Pilapil. At hindi gagawa si Pilar Pilapil ng isang ka-cheap-an na pelikula. Kaya, iyon ang challenge sa akin.”

Bilang reaksiyon, ito naman ang tinuran ni Ms. Pilar. “I trust him, I know he will be able to cope with the challenge.”

Aniya pa, “It’s a good role. It’s a role that is not very long but markado siya, with a lot of nuances, body language, expressions of the eyes.

“When I get a role, I really read the whole script, not just my role. I want to be in touch with the other characters.”

Ang ‘Mantsa’ ay hatid ng Dragon Talent Management nina Bambbi Fuentes at Tine Areola. Co-producer sa movie si Mr. Ric Valenzuela.

Ayon naman kay Gelli, nang i-pitch sa kanya ang project ay nagustuhan niya agad ito.

Aniya, “Nang ikinuwento kasi sa akin ni Bambbi yung istorya… okay, i-set aside natin na nandiyan sina Bambbi at Direk Louie, nang ikinuwento sa akin ang story – actually, I think hindi pa confirm noon si Tita Pilar, sinabi sa akin na ito iyon, medyo horror, whatever… so sabi ko, ‘Wow, sounds interesting.’ Kasi I think, the last time I did a horror movie was in the 90’s.

“So, sabi ko, ‘Uy parang bago, sige-sige gusto ko, gusto ko talaga.’ Lalo na noong ikinuwento sa akin kung ano ang magaganap. Eventually sinabi sa akin na okay na si Tita Pilar at si Direk Louie ito… Kasi I’ve never worked with Direk Louie puro kami “Sis” (dating talk show sa GMA-7), puro kami variety show, never talagang acting. So, exciting ito,” masayang sambit pa ni Gelli.

Nang usisain ang veteran actress kung sanay na ba siya na kapag gagawa ng film, yung mga baguhan ay medyo akala ay mataray siya?

Nakangiting tugon ni Ms. Pilar, “Sanay na ako dyan, because they don’t really know me. That’s why I’m reassuring them.”

Tampok din sa Mantsa sina Janice de Belen, Snooky Serna, Lloyd Samartino, Dino Guevarra, LA Santos, Shira Tweg, Bo Bautista, Khai Flores, Ghia Garcia, Mill Marzo, RJ Ariar, Rain Barreto, Miles Poblete, at iba pa.

(NONI NICASIO)