Mula sa pagiging close nila sa ‘Manila’s Finest’… PIOLO at ASHTINE, lumabas na parehong hindi na pina-follow ang isa’t-isa
- Published on February 12, 2026
- by @peoplesbalita
Nagulat kami sa mga salitang binitawan ni KD Estrada patungkol sa is ah netizen na tila binigyan ng malisya ang livestream niya kasama ang kanyang Bagets The Musical castmate na si Mia Bella.
Nasimula ang isyu sa X (dang screenshot mula sa TikTok livestream ni Mia kung saan makikitang magkatabi sila ni KD sa iisang kuwarto. Tinag ng netizen si KD at maging si Alexa Ilacad.
“Ito na pala bago ni @kdestrada_?? @alexailacad kawawang alx 💔,” comment ng isang netizen.
Mabilis itong sinagot ni KD at kinuwestiyon kung bakit ginagawang isyu ang simpleng interaksiyon nila ng kanyang kasamahan sa teatro.
Sabi ni KD, “Nag-livestream lang ang castmate ko sa Bagets and tinutok niya lang yung camera sa’kin? ano ang issue?
“Wag kayong magsalita na para bang alam niyo ang buhay namin dahil wala naman kayong alam talaga. higit pa kayo sa mga writer na gumagawa ng mga kwento. so classless at chaka” sey niya.
May sumagot naman na gawain din daw ito ng mga fan ni KD na binabash din si Alexa.
“Gawain din naman iyan ng kaydets mo kay Alexa mas malala pa nga naransan nya sana mapagsabihan mo rin. nandiyan magbasa ka diyan kung gaano kabastos yung solids mo lalo na yung romcom.”
Pinagdiinan naman ni KD na hindi niya tino-tolerate ang anumang uri ng online harassment.
“Again, hindi ko itotolerate KAHIT SINO man yan. kung sino makakabasa neto, alahanin kung ano ang ibig sabihin ng boundaries. pati ako may limits. fan o hindi.
“Para sa lahat ng mga naghahate-speech diyan, lalo na sa mga nagha-harass sa mga taong mahal ko. this is your warning.”
O ha!
***
NAKITA lang namin sa X kunsaan, ipinost ang screenshots na katibayan na parehong hindi pina-follow nina Piolo Pascual at Ashtine Olviga ang isa’t isa sa kanilang Instagram account.
Ito ay sa kabila ng mahigit isang-libong accounts ang pina-follow ni Piolo at close to 1k naman si Ashtine.
So bakit nga ba isyu? Kailangan ba naka-follow sila sa kanya-kanyang IG account?
Well, ang pinanggagaling ng mga fan, kasi naman daw, during 2025 MMFF’s Manila’s Finest, parang napaka-close nilang dalawa. Pero imagine, wala ni isa sa kanila na nag-follow.
Meron pa ngayong sino ba ang dapat na mauna? Si Piolo raw bilang siya ang lalaki. Pero dapat din daw si Ashtine dahil senior n’ya si Papa P.
(ROSE GARCIA)