• February 12, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Walang karapatan ang netizen na gumawa ng maling kuwento… KD, sobrang bad trip sa nagpapakalat na pinalitan na si ALEXA

SUPER bad trip ang Kapamilya actor-singer na si KD Estrada dahil may nagpapakalat ng balitang pinalitan na niya si Alexa Ilacad.

Nakarating sa kanya ang post ng isang netizen sa social media kung saan binigyan ng malisya ang photo ng co-star sa “Bagets The Musical” na si Mia Bella.

Sa naturang social media user sa X ang screenshot mula sa TikTok livestream ni Mia kung saan makikita na katabi si KD sa loob isang room.

Isa lamang itong behind-the-scenes pero nag-trending nga dahil sa caption na inilagay ng nag-upload.
Tinag pa niya rito sina KD at Alexa.

“Ito na pala bago ni @kdestrada_?? @alexailacad kawawang alx (broken heart emoji),” post ng netizen.

Sa comments section ng post, sumagot nga si KD sa malisyosong netizen.
Say ng binata, “Nag-livestream lang ang castmate ko sa Bagets and tinutok niya lang yung camera sa’kin? ano ang issue?”

Wala raw karapatan ang kahit na sino na gumawa ng malisyosong kuwento tungkol sa personal life ng mga celebrity.

“Wag kayong magsalita na para bang alam niyo ang buhay namin dahil wala naman kayong alam talaga.

“Higit pa kayo sa mga writer na gumagawa ng mga kwento. so classless at chaka,” pahayagvni KD.

Isang netizen naman ang rumesbak sa aktor at nagsabing mahilig ding mag-post ng hate comments laban kay Alexa ang fandom ng aktor na Kaydets.

“Gawain din naman iyan ng kaydets mo kay Alexa mas malala pa nga naransan nya sana mapagsabihan mo rin. nandiyan magbasa ka diyan kung gaano kabastos yung solids mo lalo na yung romcom,” sey ng netizen.

Sagot ni KD, “Again, hindi ko itotolerate KAHIT SINO man yan. kung sino makakabasa neto, alahanin kung ano ang ibig sabihin ng boundaries. pati ako may limits. fan o hindi.

“Para sa lahat ng mga naghahate-speech diyan, lalo na sa mga nagha-harass sa mga taong mahal ko. this is your warning. ”

Ipinagtanggol naman ng KDLex fans si KD at hinangaan ang pagtatanggol niya sa tambalan nila ni Alexa.

“Don’t mind them, KD! No need to explain sa mga ganyan ka babaw na mga basher. Walang magawa sa buhay nila yan kaya buhay ng iba pinapakialaman,” sey ng isang fan.

“I’ll be here for you and Alexa no matter what they say, hayaan mo yang mga mahilig gumawa ng issue, they’re not happy with their lives,” dagdag pa ng netizen.

***

Rep. Romualdez, nanawagan sa Lakas-CMD para isulong ang priority bills ni PBBM

NANAWAGAN si Leyte 1st District Rep. Martin Romualdez sa mga miyembro ng Lakas-CMD na magkaisa at bilisan ang pagpasa sa mga priority bills ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Binigyang-diin ni Romualdez na ang pangunahing pokus ng partido ay gawing ganap na batas ang mga programa ng Pangulo sa pamamagitan ng disiplina at maayos na kooperasyon sa loob ng Kamara.
Ayon kay Romualdez, nakatutok ang Mababang Kapulungan sa kanilang tungkulin sa ilalim ng pamumuno ni Speaker Bodjie Dy, na siyang nangunguna sa pag-usad ng mga panukalang inirekomenda ng Legislative-Executive Development Advisory Council (LEDAC). Sinabi niya na ang pagtutulungan ng partido at ng kasalukuyang liderato ay mahalaga upang matugunan ang mabigat na trabaho sa Kamara at masigurong maipatutupad nang maayos ang mga layunin ng administrasyon.
Binigyang-diin din ni Romualdez ang mahalagang papel ni House Majority Leader Ferdinand Alexander Marcos sa pagpapanatili ng ugnayan sa pagitan ng House leadership at ng majority bloc. Aniya, ang ganitong klaseng kolaborasyon ay kailangan para sa mabilis at organisadong pagpasa ng mga batas. Bilang kinatawan ng unang distrito ng Leyte, muling ipinangako ni Romualdez ang kanyang dedikasyon sa paggawa ng mga makabuluhang batas na magsusulong ng inklusibong pag-unlad at proteksyon sa kapakanan ng publiko.
“Bilang mga mambabatas, pangunahing responsibilidad natin ang magpasa ng mga batas na direktang magpapabuti sa buhay ng ating mga kababayan,” ani Romualdez. “Todo ang suporta ng Lakas-CMD sa legislative priorities ng Pangulo at handa kaming makipagtulungan kay Speaker Bodjie Dy at sa lahat ng lider ng mga partido sa Kamara. Sa limitadong oras na mayroon tayo, ang pinakamahalaga ay manatili tayong nakapokus sa mga batas na magbibigay ng tunay na benepisyo sa mga Pilipino—ito ang paraan upang makatulong tayo sa pagbuo ng isang mahalagang legasiya para sa administrasyong ito.”

(ROHN ROMULO)