• February 12, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

RAMON MAGSAYSAY HIGH SCHOOL SA MAYNILA , IPAGPAPATULOY ANG KONSTRUKSYON

IPAGPAPATULOY ang konstruksyon ng natenggang pagtatayo ng gusali ng Ramon Magsaysay High School sa Sampaloc, Maynila.

Ang proyekto ay sinimulan ngunit halos tatlong taon na hindi binigyan ng prayoridad ng nakaraang administrasyon.

Kahapon, Pebrero 10 ay isinagawa ang pangalawang groundbreaking ceremony para sa pagkumpleto sa 10-storey school building .

Sa pagbabalik ni Manila Mayor Isko Moreno-Domagoso bilang alkalde ng lungsod, tiniyak na tatapusin na ang konstruksyon para sa mga batang ManileƱong mag-aaral.

Ito ay fully air-conditioned ang academic classrooms, may gymnasium, auditorium, apat na science laboratory, library at e-library at may nakalaan ding outdoor sports facilities.

Bukod dito, mayroon ding dalawang SPED rooms para sa mga special child, MDRRMO office, at iba pa.

Ang nasabing proyekto ay isang proyektong matagal nang ipinagkait, ngunit ngayon ay sisiguraduhing matapos sa lalong madaling panahon para mapakinabangan na ng mga Batang Maynila.

Sa nasabing pagpapasinaya kasama ni Mayor Isko si Vice Mayor Chi Atienza , ilang matataas na opisyal ng pamahalaang lungsod at school Principal Robert Velasquez, School Division Superintendent at mga kinatawan mula sa Department of Education (DepEd) na patuloy na sumusuporta sa adhikain para sa edukasyon ng mga kabataan.

Ayon kay Vice Chi Atienza, bilang ina ng konseho lahat ng pagkakataon para suportahan ang plano at bisyon ng alkalde ay kanilang gagawin .

Sinabi ni Mayor Isko, kapag sinubukang tugunan ang problema ay mapapataas ang kalidad ng pamumuhay.

Nangako ang alkalde na magsisikap siya upang maging matagumpay ang lahat ng kanyang mga adhikain pero hiningi ang tulong ng mga batang Manilenyo .
(Gene Adsuara)