Nasa dugo naman niya kaya pinayagan na… Anak ni SHERYL na si NICOLE, hindi na napigilan na mag-artista
- Published on February 11, 2026
- by @peoplesbalita
ARTISTA na rin ang nag-iisang anak ni Sheryl Cruz, ang twenty-four year old na si Nicole Sonora.
“First of all I guess… I’m very fortunate because Ateng is taking care of my daughter, Artist Circle is taking care of my daughter.”
Ang “Ateng” na tinutukoy ni Sheryl ay si Rams David na talent manager na pinuno ng Artist Circle management na siya ring nangangalaga sa showbiz career ni Sheryl.
“Ngayon passion niya iyan kaya hindi ko siya pangungunahan sa gusto niya.
“She’s already of age, graduate na siya sa school, she can take on whatever profession she wants.
“But because gusto nga niya at nasa dugo niya ang pag-try paano ang showbusiness hindi ko iyon puwedeng tanggalin sa kanya.
“Di ba?
“Sabi nga nila kung para sa iyo talaga kahit harangan mo ng sibat walang makakapigil sa iyo, and nasa dugo, e.
“Nagsusumigaw, so ano ang gagawin ko di ba?”
Tinanong namin si Sheryl bakit ngayon lang nag-artista si Nicole?
“Siguro because yung sa part ko, I started very young so, she’s aware naman of it naman, the situation, kung paano nagsimula ang auntie ko sa showbiz, kung paano nagsimula ang mama ko, ang papa ko, uncle ko, so kahit papaano may awareness na siya.
“At ang sinabi ko lang naman talaga sa kanya is to finish her studies and do whatever she wants afterwards. Di ba, yung ganyan.
“Akala ko nga doon sa America magta-try ng showbusiness pero sabi niya she wants to try it first here so hindi ko gustong pangunahan yung future niya kasi the world is her oyster right now.
“She’s still young, she has a long way to go at may guidance naman ni Rams, next to Kuya Germs, he’s the best, for me.”
Si Kuya Germs ay si German Moreno, ang Master Showman ng That’s Entertainment kung saan mas lalong sumikat si Sheryl noon at iba pang mga teenstars noong dekada otsenta.
Samantala ay nagbabalik-pelikula si Sheryl sa pelikulang ‘Kappa-tiran’ na pinagbibidahan ni Ejay Falcon. Hatid ng Mamay Production ni Nunungan, Lanao del Norte Vice-Mayor Marcos Mamay na isa rin sa mga cast members ng pelikula.
(ROMMEL L. GONZALES)