• February 12, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Binuweltahan ang mga mahilig gumawa ng kuwento… MARK, aminadong may personal na problema pero may trabaho

BINUWELTAHAN ni Mark Herras ang mga vlogger o content creators na mahilig gumawa ng kuwento.
Nag-viral ng ang pinost ni Mark na umiiyak, at halatang may matinding pinagdadaanan. Dahil kanya-kanya nang haka-haka kung ano ang tunay na dahlia tungkol dito, na labis na ikinabahala ng marami lalo na ang kanyang showbiz friends.
May nagsasabing may kinalaman daw ito sa relasyon nila ng asawang si Nicole Donesa na ipinagdarasal na sana ay maayos din.
Anyway, may mga lumabas na vlog na kaya raw umiiyak si Mark ay dahil wala na siyang trabaho, bagay na ikinagalit niya.
Kaya galit na galit na nag-post si Mark sa Facebook, “FYI sa mga basta may ma ipost lang kung ano anong storya ang gingawa basta may ma content lang wag kayong gago!!!
“Yung post ko na umiiyak eh tungkol sa personal na problema! Wag kayong tanga at mahilig gumawa ng kwento para lang sa content nyo!!!”
Pagdidiin pa ni Mark, “may mga trabaho akong ginagawa, may show ako na ginagawa under GMA 7 at under BuenasPH so para sa mga gumagawa ng storya na umiiyak ako dahil wala akong trabaho wag kayong tanga!
“Maghanap kayo ng ibang macocontent wag ako mga inutil!!!! [face with symbols on mouth emojis].”
***

Chair Lala, pinangunahan ang panunumpa ng dalawang bagong Board Member

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin ng dalawang bagong Board Members noong Lunes, Pebrero 9, 2026, sa MTRCB Liezl Martinez Hall, Quezon City.

Itinalaga ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sina Sarah-Ingrid Aurelia B. Sia at Atty. Jerico A. Antonio, kapalit nina Mark Anthony Andaya at Glenn Patricio, na parehong natapos na ang termino sa panunungkulan.

Alinsunod sa Section 2 (Composition; Qualifications; Benefits) ng Presidential Decree No. 1986, ang mga miyembro ng MTRCB ay manunungkulan ng isang taon, pero puwedeng maitalaga muli matapos ang kanilang termino.

Batay sa kanilang appointment na nilagdaan ng Pangulo noong Enero 30, sina Sia at Antonio ay manunungkulan hanggang Setyembre 30, 2026.

Malawak ang karanasan ni Sia sa marketing, financial planning at organizational operations, bukod sa kanyang kaalaman sa treasury product marketing na sumasaklaw sa cash management, foreign exchange at investment solutions.

Si Antonio ay isang aktor at producer sa pelikula at telebisyon, at isa ring miyembro ng Philippine Bar, na may matibay na akademikong pundasyon at pormal na kasanayan sa larangan ng batas.

Tiwala si Sotto sa propesyonalismo ng mga bagong Board Member, at binigyang-diin ang mahalagang ambag ng mga ito sa mandato at misyon ng Ahensiya.

“Ang kanilang propesyonal na karanasan, integridad at mga bagong pananaw ay lalo pang magpapatibay sa pangako ng MTRCB na isulong ang responsableng panonood,” ani Sotto.

Pinasalamatan din niya sina Andaya at Patricio sa kanilang tapat na paglilingkod sa publiko.

“Malaki ang naging ambag nila sa pagsusulong ng ating misyon, at hangad natin ang kanilang patuloy na tagumpay sa mga susunod nilang gawain,” dagdag ni Sotto.

(ROHN ROMULO)