Nag-set ng boundaries at iniisip niya si Allen… SOFIA, nilinaw ang isyung nagkagusto si IÑIGO habang nasa Bahay ni Kuya
- Published on February 11, 2026
- by @peoplesbalita
NILINAW na ni Sofia Pablo ang isyu kay Iñigo Jose, na diumano’y nagkagusto sa kanya sa loob ng PBB house.
Ibinahagi ni Sofia na napag-usapan na nila ni Iñigo na isa siya sa mga nagustuhan nitong babae sa loob ng Bahay ni Kuya.
“I mean, meron pong mga nang-aasar na housemates inside, pero hindi ko talaga ine-entertain kasi mabait po talaga si Iñigo sa lahat ng housemates,” sabi ni Sofia.
Ikinuwento ng ex-PBB housemate na ayaw niyang paasahin si Iñigo, kaya hindi siya nagpakita ng kahit anong motibo.
“Si-net ko na po talaga ‘yung boundaries namin. Sinabi ko po talaga na the last thing I want inside the house is to be involved with someone romantically kasi iniisip ko talaga si Allen (Ansay). Sobrang vocal ko po doon inside,” kuwento niya.
Inamin ni Sofia na iniisip niya sa loob ng Bahay ni Kuya ang nararamdaman ni Allen sa labas. Samantala, sinabi ni Allen kay Sofia na maaari siyang magkagusto ng iba habang siya ay nasa loob ng PBB.
“Hindi ko alam kung matutuwa ako o hindi e. Sabi ko para kang ewan, hindi talaga. Kasi sabi ko ang dami na nating pinagsamahan. Ang dami na nating naka-work.
“Pero I am sure, I am not that type of person like may paninindigan ako if ikaw ‘yung taong gusto ko, ikaw ‘yung taong gusto ko,” diin pa niya.
***
NAGLAWAY ang mga acclang netizens sa ginawang workout video ng tatlong Sparkle hunks na sina Derrick Monasterio, David Licauco at Vince Maristela.
Nag-viral ang threesome workout nila dahil mga naka-gym shorts lang silang tatlo at pawisan ang kanilang katawan.
Nag-comment nga ang isang netizen na “tender, juicy, tasty” ang tatlo. Para lang daw silang mga karne na hinahanda para kainin.
Hydrox workout ang ginagawa ng tatlo na uso ngayon sa mga mahilig mag-gym. Combination ito ng running at ilang functional exercises tulad ng rowing, burpees, pagbubuhat ng kettlebells, at ilan pa.
Naka-focus si David sa naturang workout dahil naghahanda siya para sa isang fitness event.
Marami naman ang nakapansin na lumapad ang katawan ni Derrick at kailangan nitong magbawas ng timbang. Dahil siguro na enjoy nito masyado ang pag-travel sa iba’t ibang bansa kasama ang girlfriend na si Elle Villanueva.
***
TATAPUSIN na lang daw ni Kelly Clarkson ang 7th season ng kanyang talkshow na ‘The Kelly Clarkson Show’ at magpapaalam na siya rito.
Isa raw dahilan kung bakit hindi na itutuloy ni Kelly ang kanyang show ay para matutukan ang kanyang dalawang anak.
“I have been extremely fortunate to work with such an outstanding group of people at TKCS, both in Los Angeles and New York. After years of an intense daily schedule, I’m excited to move at a different pace and have more flexibility to spend time with my kids without the structure of a daily show.
“This change gives me the space to be more present at home while still doing the creative work I love. This next phase is about balance,” sey ni Kelly
Ayon pa sa American Idol winner, “heartbroken” ang kanyang dalawang anak dahil na pagpanaw last year ng ama nilang si Brandon Blackstock.
“Losing their dad is incredibly painful and confusing,” sey ni Kelly na divorced na kay Blackstock since 2022.
(RUEL J. MENDOZA)