• February 10, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Operation Birth Right, paiigtingin ng Manila LGU

TINIYAK ni Manila City Civil Registry Office (CCRO) Director Atty. Jaime Tejero na patuloy ang kanilang pagpapaigting ng Operation Birth Right para sa mga residente ng lungsod.

Ang paniniyak ay ginawa ni Tejero, kasunod ng impormasyon na marami pa rin sa mga taga-Maynila ang walang birth certificate, marriage certificate o mali sa pangalan.

Ayon kay Tejero, inilalapit na nila sa barangay ang pagkuha ng mga birth at marriage certificate na kadalasang sa mismong city hall lamang mapoproseso.
Ipinatutupad na rin ni Tejero ang Operation Birth Right sa mga barangay upang hindi na gumastos ng pamasahe ang mga nais na kumuha ng birth certificate.

Sa ilalim ng pagseserbisyo ng CCRO, bukod sa birth at marriage certificate maaari ring ipro­seso ang late registration, death certificate, consultation at evaluation ng mga requirements para sa correction of entries sa live birth, marriage at pagpapalit ng pangalan.