• February 10, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Ipinagdarasal na managot ang dapat managot… EJAY, nalungkot at nagwo-worry sa kalagayan ni BONG

NAKATRABAHO ni Ejay Falcon si former Senator Ramon ‘Bong’ Revilla, Jr. sa season 2 ng GMA series na “Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis” na umere noong 2023 hanggang 2025.
Kaya tinanong namin si Ejay kung ano ang naging saloobin niya sa pagkaka-aresto kay Sen. Bong na may kinalaman sa maanomalyang isyu ng flood control projects
“Siyempre nakakalungkot po, I mean nakakalungkot po yung nangyayari.
“Siyempre hindi naman po natin sinasabi na iyan ay totoo or ano pa man.
“Wala ako dun sa posisyon na iyon para magsabi niyan, pero nakakalungkot lang.“Kasi bago pa naman lahat ngayon, talagang ang korapsyon po kasi mahabang panahon na, matagal na iyan e, matagal na iyan.
“Iyon nga lang sana lumabas din ang katotohanan at sana ay nasa mabuti siyang kalagayan kahit papaano.
“Iyon naman yung importante.
“Kasi base sa mga napapanood ko at nababasa ko ay parang walang… walang special treatment, siyempre kahit papaano artista pa rin yung tao, senador pa rin yung tao, tapos malalagay sa ano, so hindi natin alam kung papaano magsu-survive si Sen.“So iyon, ipanalangin na lang po natin na sana dito sa nangyayaring korapsyon sa buong Pilipinas, isama niyo na ang buong mundo, ay managot yung deserve na managot, iyon na lang po.
“Iyong deserving na managot ay managot na lang po.
“At yung mga walang kasalanan ay mapawalang-sala.”
Tinanong rin namin si Ejay kung may naaalala siyang magandang payo na ibinigay sa kanya noon si Bong habang nagte-taping sila ng kanilang serye.
“Yes! Ang sabi niya sa akin, nag-start siya na Vice Governor, ganun din, at iyon nga, ‘Dapat nag-aaral ka pa rin’, sabi niya.”
Nagsimula ang political career ni Bong bilang Bise Gobernador ng Cavite (1995-1998) at si Ejay naman ay dati ring nakaupo bilang Bise Gobernador ng lalawigan naman ng Oriental Mindoro (2022-2025).
Pagpapatuloy pang kuwento ni Ejay.
“And siyempre dun sa mga action scene namin, sabi niya sa akin, e kasi ako one time nung pumunta ako [sa taping], segue ako nun e, may ginagawa din ako sa ABS, galing akong province na puyat-puyat ako.
“Tapos may fight scene kami, kino-choreograph niya ako, sabi niya, ‘Parang sa edad ko mas malakas ako ngayon sa iyo,’ gumaganun siya.
“Kasi nagte-training daw siya, e puyat nga ako, e nagte-training-training daw siya, sumusuntok-suntok daw siya sa bahay, boxing, so iyon, mga ganun lang.
“Hindi rin kami nabigyan ng maraming time kasi alam niyo naman ngayon, pagdating sa shooting, may Eddie Garcia Law so kailangang tapusin lahat iyon, di ba, may cut-off, so pagdating mo sa set trabaho na ng trabaho, diretso po.”
Magbabalik-pelikula si Ejay sa ‘Kappa-tiran’ kung saan siya ang male lead star kapareha si Sheryl Cruz.
Produced ito ng Mamay Production ni Nunungan Lanao del Norte Vice Mayor Mamay Marcos na isa rin sa mga cast members ng pelikula.
Tungkol sa fraternity, nasa Kappa-tiran rin sina Bembol Roco, Sam Coloso, Patricia Javier, MJ Macalintal, Bernie Batin, Mygz Molino, Jimsen Jison, Darwis Esmaeili at marami pang iba, sa direksyon ni Neal “Buboy” Tan with Shiela Torres Lintan as line producer.

(ROMMEL L. GONZALES)