Alex Eala, Janice Tjen, haharapin na ngayong gabi sina 4th seeds Mihalikova at Nicholls
- Published on February 9, 2026
- by @peoplesbalita
HAHARAPIN na ng dalawang southeast asian tennis player na sina Alex Eala at Janice Tjen ang dalawang European tennis star na sina Tereza Mihalikova at Olivia Nicholls.
Paglalabanan ng mga ito ang isang finals spot sa finals ng WTA 500 Mubadala Abu Dhabi Open doubles category.
Kung ibabatay sa WTA ranking, lamang ang dalawang European players kung saan hawak ni Mihalikova ang rank No. 28 habang ika-26 naman ang kasalukuyang pwesto ni Nicholls.
Sa kabila nito, dati nang napatunayan nina Eala ang liksi sa tennis court matapos nilang pataubin ang second seeds Cristina Bucsa at Shuai Zhang sa quarterfinals ng naturang turneyo.