• February 10, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Balitang nagkakamabutihan na sila… ONEMIG, hindi kailangang gamitin si AIKO para kumita sa vlog

HABANG live sa Facebook sina Onemig Bondoc at Aiko Melendez na balitang nagkakamabutihan na raw ngayon ay may nabasa kaming nag-comment ng isang netizen.
Komento nito na ginagamit lang raw ni Onemig si Councilor Aiko para magkaroon ng maraming views at subscribers sa kanyang YouTube channel.
At kung titingnan mo nga naman ngayon ang YT channel ni Uno (palayaw ni Onemig) ay ang laki na ng progress na umaabot na sa almost 500K views, na dating 50K views lang.
Siyempre panonoorin talaga ang vlog ni Onemig lalo’t madalas niyang kasama si Aiko. Marami ang mag-aabang lalo na sa interesado sa love story ng dalawa.
Well, sa isyu naman na user itong si Onemig? For us, sa yaman ng retired ng actor at businessman ay hindi na nito kailangan na manggamit pa ng tao para kumita ang kanyang vlog.
Baka happy lang siya na laging kasama ang love na si Aiko at makitang umaangat ang kanyang channel.
Dahil kung pera ang pag-uusapan at kita sa Youtube, ay wala ito kay Onemig at rich nga siya na hindi kailanman namroblema sa pera.

***

BUKAS (Feb 8), naimbitahan si Rozz Daniels sa ribbon cutting sa grand opening ng Filipino Seafood Restaurant sa Paseo De Sta. Rosa Mall, sa Sta. Rosa Laguna.
At dahil sa recording artist si Rozz, ay posibleng mag-request ang mga owner ng resto na kumanta siya sa event. At tiyak, pauunalakan naman sila.
By the way, dito sa Pinas ay first time ni Rozz, na mag-ribbon cutting sa bubuksang resto kaya’t excited na siya.
Sa Feb. 10 naman ay nasa fiesta siya ng Otis, Paco Manila. At kinuha siyang celebrity judge para sa Gay Beauty Pageant rito.
Malapit sa puso ng “Pop Rock Diva” ang LGBTQ+ at masaya raw kasama ang mga ito.
Soon ay ire-release na ang bagong single revival ni Rozz na “Bulong ng Damdamin” na likha ni Doc Mon Del Rosario.
Nasa Tiktok na rin ito na umani na ng thousand of views.

(PETER S. LEDESMA)