9 PASAHERO SUGATAN, 8 SASAKYAN, NAPINSALA SA MAYNILA
- Published on February 5, 2026
- by @peoplesbalita
SUGATAN ang siyam na pasahero habang walong sasakyan ang napinsala nang araruhin ng rumaragasang pampasaherong bus sa kahabaan ng Taft Avenue sa Maynila Martes ng gabi.
Kabilang sa mga nadamay sa aksidente ang ilang motorsiklo at sasakyan dahil umano sa mabilis na takbo ng naturang bus.
Agad na nakaresponde ang Manila Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) at binigyan ng agarang first aid ang mga sugatang pasahero.
Ayon sa ilang saksi , ang bus ay una munang bumanga sa poste ng LRT bago inararo ang ibang kotse at motorsiklo .
Sa inisyal na imbestigasyon nakaranas ng isyu sa break o preno ang bus.
Kasalukuyan nang nasa kustodiya ng Manila District Traffic Enforcement Unit ng Manila Police District ang bus driver habang nagpapatuloy ang imbestigasyon ,
Mahaharap sa kasong reckless driving resulting in multiple Physical injuries at multiple damage to property .
(Gene Adsuara)