Cast ng ‘I’mPerfect’, contract stars na ng Nathan Studios… SYLVIA, umaming ‘di sila madaling i-handle pero madaling ilapit para magka-project
- Published on February 5, 2026
- by @peoplesbalita
PUMIRMA na ng tatlong taon na kontrata ang mga bida ng “I’mPerfect” sa Nathan Studios Artist Management last Tuesday, February 3.
Pinangunahan ito ng MMFF 2025 best actress na si Krystel Go at best actor nominee na si Earl Amaba.
Kasama ang iba pang actors with Down Syndrome na sina Carl Garcia, Angela Batallones, Bea Mendoza, Javi Sarmiento, Royce Gian Rivera, Gio Dicen at Jonathan Tilos, para maging Nathan Angels.
Hindi naman nakasama sa contract signing si Richelle Uy dahil nagkasakit daw ito.
Bukod siyam na nabanggit kasama sa pumirma at pinakilala si Ice Almeria, ang first champion ng reality show na “Time To Dance” na napanood sa ABS-CBN noong 2025, na co-produced ng Nathan Studios.
Nasaksihan namin na ang persons with DS mismo ang pumirma sa kanilang mga kontrata, kasama ang kanilang magulang at mga guardians.
Nagpapasalamat ang magulang dahil ang pangarap nilang mapanood ang mga anak o magkaroon ng endorsement ay tinupad ng Nathan Studios.
Balitang gagawa ng comedy series ang “I’mPerfect” cast at si Direk Sigrid Andrea Bernardo ang magdidirek at magsusulat.
Malaki rin ang pasasalamat ng premyadong aktres at producer na Sylvia Sanchez dahil ipinagkatiwala sila sa Nathan Studios.
Narito ang mensahe ni Sylvia sa naganap na contract signing…
“Magandang araw sa ating lahat. First and foremost, thank you all for being with us today. Today is a very special day for Nathan Studios and, more importantly, for our artists. Hindi lang ito contract signing ito ay simula ng isang pangarap na sabay-sabay nating binubuo.
“Sa Nathan Studios, naniniwala kami na ang talento ay walang limitasyon. Hindi ito nasusukat sa labels, kundi sa puso, sipag, at tapang na ipakita ang sarili sa mundo.
“These artists, our angels, our persons with down syndrome, are full of raw skills, creativity, at isang klase ng authenticity na bihirang-bihira. Totoo, buo, at galing mismo sa puso.
“Bago pa man magsimula ang pelikulang I’MPERFECT, nakikitaan na namin kayo ng potensyal. We believed in you even before the cameras rolled—before the lights, before the applause.
“And recently, that belief was proven true when you made history at the Metro Manila Film Festival: Best Picture, Best Actress for Krystel Go, and Best Cast Ensemble. “Isang napakalaking tagumpay—hindi lang para sa pelikula, kundi para sa bawat pangarap na pinanghawakan ninyo. We see your potential. We see your hard work. And most of all, we believe in you.
“Hindi lang bilang artists, kundi bilang individuals na may boses, kwento, at liwanag na kayang magbukas ng isip at puso ng marami.
“Maliban sa aming artists sa I’m Perfect, Ito rin ay contract signing ng nanalo sa aming dance competition na ‘Time To Dance’ sa ABS-CBN na si Ice.
“Although we are primarily a production company, itong contract signing namin ay paraan namin para ma-honor ang artists namin to watch them grow from one project to the next — sa showbiz man o sa labas nito.
“Hindi namin ipapangako ang langit at lupa. Pero isang bagay ang sigurado…gagawin namin ang lahat ng aming makakaya para samahan kayo, gabayan kayo, at tulungan kayong maabot ang inyong mga pangarap.
“Ang kontratang ito ay simbolo ng tiwala—tiwala namin sa inyo, at tiwala ninyo sa amin. At sa puntong ito, nais din naming magpasalamat sa mga magulang—salamat sa walang sawang suporta, tiwala, at pagmamahal na siyang pundasyon ng lakas ng mga batang ito.
“Welcome to Nathan Studios. This is just the beginning and we are so, so proud to be on this journey with you.”
Kuwento pa ni Sylvia, kahit hindi madaling i-handle ang showbiz career nila, madani silang ilapit sa TV stations tulad ng ABS-CBN at GMA and hopefully makakuha sila ng projects bukod sa endorsements, dahil brand ambassadors na sila ng Nailandia.
Ang mga girls ay kinukuha ng Wacoal para mag-model at magsu-shoot na sila this week. At sakto pa ito dahil ang February pala ay month ng may Down Syndrome.
Si Krystel naman ay kinukuha rin para sa Women’s month sa March.
Samantala, tuloy-tuloy lang ang internatioanal showing ng ‘I’mPerfect’, kaya dapat abangan sa Madrid (Spain), Lisbon (Portugal), Lithuania, Poland at Czech Republic.
(ROHN ROMULO)