• February 5, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Nartatez dismayado sa pagkakasangkot ng mga pulis sa krimen

NAGPAHAYAG ng pagkadismaya si Philippine National Police (PNP) chief Gen. Jose Melencio Nartatez bunsod ng sunud-sunod na pagkakasangkot ng mga pulis sa iba’t ibang krimen.

Ayon kay Nartatez, nakakalungkot lamang na sa kabila ng morale boosting na ginagawa ng pamahalaan, ay may iilan pa ring gumagawa ng mga katiwalian tulad na rin ng panghoholdap ng anim na pulis ng Manila Police District sa Makati City kamakailan.

Ani Nartatez, walang cover up at walang white wash sa imbestigasyon ng mga kaso. Samantala, inatasan ni Nartatez ang lahat police commanders na paigtingin ang kampanya laban sa loose firearms. Nabatid sa record na nitong Enero, nasa 828 ang naaresto habang nasa 2,604 baril ang nakum­piska kabilang ang nasa 242 na nasa kustodiya ng pulisya.

Maging ang mga gunning syndicate ay dapat na tutukan ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) at Special Action Force (SAF) na bahagi naman ng kanilang anti-crime measure.

Dagdag pa ni Nartatez, kailangan na ring magpatupad ang Civil Security Group (CSG) ng mga regulasyon laban sa mga delinquent gun owners para sa renewal ng kanilang mga baril.

“Gun ownership comes with an obligation that includes renewing their licenses on time,” ani Nartatez. ( Gene Adsuara)