• February 5, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Quezon City LGU paiigtingin kampanya vs textile waste

HIGIT pang paiigtingin ng lokal na pamahalaan ng Quezon City ang kampanya kontra textile waste makaraang lagdaan ni Mayor Joy Belmonte ang naipasang City Ordinance SP-3472,S-2025 o ang Textile Sustainability and Circularity Ordinance ng QC Council.

Layon ng ordinansa na bawasan ang textile waste at isulong ang muling paggamit, pagre-recycle, at pag-upcycle ng mga tela sa lungsod.

Bahagi rin ng ordinansa ang pagtatatag ng mga pasilidad at koleksyon para sa textile waste, pagtataguyod ng responsable at napa­panatiling konsumo, at pagbibigay ng suporta at insentibo sa mga negosyong at komunidad na nakikilahok sa circular textile practices.

Binigyan-din ni Belmonte na bahagi ito ng mas malawak na programa ng lokal na pamahalaan na protektahan ang kalikasan, lumikha ng kabuhayan, at itaguyod ang isang mas napapanatiling kinabukasan para sa mga QCitizen.

Sinabi ni Belmonte na dagdag ito sa Circularity Hub sa Brgy. Payatas na inilunsad noong Oktubre kung saan mayroon itong weaving looms, cutting machines, production at showroom area kung saan maaring i-display ang mga artisans weave at gawing bagong items ang mga upcycled scraps.

Ayon kay Belmonte, palalakasin din ng lokal na pamahalaan ang partnership sa ibang government agencies, civil society organizations, at academe para rito.