• February 5, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Teenager, kalaboso sa baril sa Caloocan

REHAS na bakal ang kinasadlakan ng 18-anyos na teenager matapos maaresto ng pulisya dahil sa pagdadala ng hindi lisensyadong baril sa Caloocan City.

Ayon kay Caloocan City Police Station Chief P/Col. Joey Goforth, habang nagsasagawa ng Anti-Criminality foot patrol ang mga tauhan ng Cadena De Amor Police Sub-Station 11 sa Brgy., 175, nang mapansin nila ang isang lalaki na may bitbit na baril habang nakatayo sa well-lighted area.

Kaagad nila itong nilapitan sabay nagpakilala bilang mga pulis bago sinunggaban ang dala nitong isang kalibre.38 revolver na kargado ng isang bala.

Nang walang naipakitang kaukulang mga dokumento hinggil sa ligaledad ng nasabing armas ay inaresto ng pulisya ang suspek.

Sinampaha ng pulisya ang suspek ng kasong paglabag sa Section 28 ng R.A 10591, o ang Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act sa Caloocan City Prosecutor Office.

Pinuri naman ni Northern Police (NPD) Acting Director P/BGen. Christopher Dela Cruz, ang arresting team sa kanilang kasipagan, disiplina, at propesyonalismo na binigyang-diin ang pangako ng NPD para protektahan ang kaligtasan ng publiko.(Richard Mesa)