Dalawang magkahiwalay at magkasunod na impeachment complaints ang inihain sa Kamara laban kay VP Sara Duterte
- Published on February 3, 2026
- by @peoplesbalita
UNANG inihain sa opisina ng House Secretary General ang impeachment complaint na inendorso ng mga miyembro ng Makabayan Bloc.
Sinabi ng koalisyon na limang articles of impeachment ang kabilang sa naturang reklamo.
Inaakusahan ang VP ng culpable violation of the constitution, bribery, graft and corruption, betrayal of public trust at iba pang high crimes.
Binanggit ang alegasyon ng umano’y asasinasyon laban kina PBBM, First Lady Liza Marcos at dating Speaker Martin Romualdez, misuse ng daang milyong halaga ng public funds sa pamamagitan ng confidential, money laundering at kabiguang ideklara ng buo ang kanyang ari-arian at assets sa Statement of Assets, Liabilities and Networth (SALN), extrajudicial killings at partisipasyon sa destabilization plot laban sa gobyerno.
Ang unang impeachment complaint na inihain noong nakalipas na taon ng mga koalisyon na kinabibilangan nina Aquino Dee, Deles Villanueva at iba’t ibang youth groups at sectoral leader na ibinasura ng Korte Suprema dahil sa pagiging unconstitutional nito.
Ang ikalawang impeachment complaint laban sa VP ay inihain ng coalition ng mga civil society organizations, religious leaders, at concerned citizens.
Kabilang sa mga complainants ay sina Kiko Aquino Dee, co-convenor ng Tindig Pilipinas; dating peace secretary Ging Deles; at 2025 Ramon Magsaysay Awardee Rev. Fr. Flavie Villanueva.
Inendorso naman ito nina Akbayan party-list Representative Perci CendaƱa at Mamamayang Liberal party-list Representative Leila de Lima.
(Vina de Guzman)