• February 5, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

TRICYCLE DRIVER, PINAGBABARIL, PATAY SA MAYNILA

NASAWI ang isang 35 anyos na tricycle driver matapos pagbabarilin sa Sta. Barbara Street, Ermita, Maynila noong Linggo.

Ayon sa isang saksi na hinabol ng mga nakamotorsiklong suspek ang biktima habang sakay ng kanyang traysikel at ilang beses itong binaril.

Bumagsak ang biktima sa kalsada, habang patuloy na umandar ang kanyang traysikel bago bumangga sa isang traffic island.

Nagtamo ang biktima ng maraming tama ng bala, at natagpuan ang ilang basyo ng bala sa lugar ng insidente.

Hindi naman lubos akalain ng kaanak ng biktima na dumating sa pinangyarihan ng insidente na naging target ng mga salarin ang biktima.

Ayon sa pulisya, walang closed-circuit television (CCTV) sa lugar. Patuloy ang imbestigasyon at nagsagawa na ng manhunt ang mga awtoridad para mahanap ang dalawang suspek. (Gene Adsuara)