Palasyo: Walang rigodon sa Gabinete
- Published on February 2, 2026
- by @peoplesbalita
WALANG aasahang balasahan sa mga miyembro ng Gabinete ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Ito ang tugon ni Palace Press Officer Atty. Claire Castro sa puna ni Senador Rodante Marcoleta kaugnay sa aniya ay lumalaking bilang ng mga ahensiya ng gobyerno na pinamumunuan ng mga acting secretary.
Ayon kay Castro, sinabi na aniya ng Pangulo na walang mangyayaring rigodon sa Gabinete.
Sa halip ay isusumite na ang mga pangalan ng cabinet members sa Commission on Appointments (CA) sa lalong madaling panahon.
Kabilang sa mga miyembro ng Gabinete na nagsisilbing acting secretary ay sina Finance Secretary Frederick Go, Budget Secretary Rolando Toledo at Justice Secretary Fredderick Vida.
Magiging opisyal lamang silang Secretary kapag pormal na silang itinalaga ng Pangulo at kinumpirma ng CA.
Samantala, tumanggi naman si Castro na kumpirmahin o itanggi ang ulat na si Department of Enrivonement and Natural Resources (DENR) Secretary Raphael Lotilla ay aalisin sa kanyang puwesto. (Daris Jose)